Red Cross may 14 na first aid station at welfare desk sa rutang Traslacion
Mayroong labingapat na first aid sation at welfare desk ang Philippine Red Cross(PRC) sa kabuuan ng rutang daraanan ng Traslacion.
Inilabas ng PRC sa kanilang Facebook page ang mapa kung saan matatagpuan ang mga first aid station.
Payo ng PRC sa mga taong lalahok sa Traslacion na i-download at i-save ang mapa.
Samantala, mayroon ding safety tips na inilabas ang PRC para sa mga lalahok sa prusisyon.
What to do before:
– Maging pamilyar sa ruta ng prusisyon
– isarado at tiyaking ligtas ang iiwanang bahay
– magtalaga ng lugar kung saan magkikita-kita kapag may emergency
– alamin ang emergency numbers
– alamin ang physical capabilities
– iwasang magdala ng bata
WHAT TO DO DURING:
– magdala ng proteksyon sa init o ulan
– magdala ng candy, snack o iba pang makakain, at malinis na inuming tubig
– magsuot ng kumportableng damit
– magdala ng medicine kit
– iwasang magsuot ng alahas at magdala ng gadgets
– magdala ng sapat lang na halaga ng pera
– magtungo sa pinakamalapit na Red Cross station kapag may emergency
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.