WATCH: Alert level 4 itinaas ng DFA sa Iraq
Nakataas na ang alert level 4 sa Iraq sa gitna ng tensyon na namumuo sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.
Ang alert level 4 ang pinakamataas na antas ng travel advisories ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipinos sa ibang bansa.
Ayon kay Chargé d’Affaires Jomar Sadie ng Philippine Embassy sa Iraq, mandatory repatriation sa mga OFW sa Iraq ang utos sa kanila ng pamahalaan.
Dahil ang gobyerno ng Pilipinas ang nag-initiate ng repatriation sinabi ni Sadie na kailangan pa rin ng mga Filipino na kumuha ng exit visa mula sa kanilang employers.
Kung wala namang employer ang isang Pinoy payo ni Sadie, agad makipag-ugnayan sa embahada para sila ay matulungan.
Maging ang mga biktima ng human trafficking ay pinayuhang agad na tumawag sa embahada upang sila ay matulungan na makakuha ng ticket.
Ang mga numebro sa embahada ng Pilipinas sa Iraq ay ang sumusunod:
• 07816066822
• 07516167838
• 07518764665
• 07508105240
Kung nasa Baghdad area lamang ang Pinoy ay maaring magtungo ng direkta sa embahada.
Kung ang employer naman ay ayaw pumayag na umuwi ang isang OFW, maari ding ang embahada na mismo ang makipag-usap sa employers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.