Dating vice-governor ng Sultan Kudarat patay sa ambush

By Rhommel Balasbas January 08, 2020 - 06:09 AM

Nasawi si dating Sultan Kudarat vice governor Rolando ‘Rolly’ Recinto matapos tambangan sa Brgy. Bilumin, bayan ng Lambayong, Martes ng hapon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, sakay si Recinto ng kanyang pickup truck at pauwi ng Tacurong City nang pagbabarilin ito ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang dating bise gobernador.

Isinugod pa ito sa ospital ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

Nagsilbi ring alkalde ng Lambayong si Recinto.

Ayon sa Police Regional Office-12, iniimbestigahan na nila ang insidente at pinaghahanap na nila ang mga nasa likod ng pananambang.

TAGS: ambush, breaking news in Philippines, governor, Inquirer News, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Rolly Recinto, sultan kudarat, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, breaking news in Philippines, governor, Inquirer News, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Rolly Recinto, sultan kudarat, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.