Mga Pinoy sa iba pang bahagi ng Gitnang Silangan maari na ding mag-avail ng repatriation

By Dona Dominguez-Cargullo January 08, 2020 - 06:06 AM

Maliban sa Iraq, nakahanda na rin ang mga embahada ng Pilipinas para ilikas ang mga Filipino na nasa iba pang bahagi ng Gitnang Silangan.

Sa abiso ng Philippine Embassy in Saudi Arabia, ang mga Pinoy na nasa Riyadh, Eastern Region, Qassim, Ha’il at iba pang probinsya na nasa Northern Border ay maaring mag-avail ng repatriation program

Handa ang embahada na ilikas ang mga Pinoy na nais magpa-repatriate sa kasagsagan ng tensyon sa Iraq na maaring makaapekto din sa mga kalapit nitong lugar.

Ang mga Pinoy na nais umuwi ng Pilipinas ay maaring tumawag sa embahada sa sumusunod na numero:

Landline number: 011-480-1918
Hotline number: 056098903301
E-mail address: [email protected]

Samantala, naglabas din ng parehong abiso ang Philippine Embassy sa Damascus, Syria.

Para sa mga Pinoy na nasa Syria na apektado ng kaguluhan, maaring makipag-ugnayan sa embahada para sa repartriation.

Maaring tumawag o makipag-ugnayan sa embahada sa sumusunod:

Number: +963 011 613 2626
Email: [email protected]
Facebook: https://www.facebook.com/PHinSyria

Pinayuhan ang mga Pinoy na nasa Gitnang Silangan na maging alerto at maingat sa lahat ng oras.

TAGS: breaking news in Philippines, Inquirer News, Middle East, OFWs, PH embassy in Riyadh, PH Embassy in Syria, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, repatriation, Tagalog breaking news, tagalog news website, breaking news in Philippines, Inquirer News, Middle East, OFWs, PH embassy in Riyadh, PH Embassy in Syria, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, repatriation, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.