16 na DOH hospitals sa buong Metro Manila nasa Code White Alert na para sa Traslacion 2020

By Dona Dominguez-Cargullo January 08, 2020 - 05:31 AM

Isinailalim na sa code white alert ang lahat ng labinganim na ospital ng Department of Health (DOH) sa Metro Manila para sa Traslacion 2020.

Idinedeklara ng DOH ang Code White Alert sa mga ospital kapag mayroong national events, holidays o selebrasyon na maaring magdulot ng mass casualties o emergencies.

Sa ilalim ng Code White Alert, ang mga emergency medicines at supplies lalo na ang mga para sa sa trauma needs ay dapat available.

Kailangan ding naka-standby ang medical specialists para agad magamot ang mga pasyente.

Habang ang emergency service personnel, nursing at administrative personnel ay nasa on-call status din.
Ayon sa DOH, magpapakalat din ng labingapat na health emergency response teams sa mga strategic areas sa ruta ng Traslacion para magbigay ng emergency medical services sa libu-libong mga deboto.

Paalala ng DOH sa mga deboto iwasan nang magsama ng bata at hindi na rin dapat sumama sa prusisyon kung buntis.

TAGS: breaking news in Philippines, code white alert, DOH Hospitals, feast of the Black Nazarene, Inquirer News, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Traslacion 2020, breaking news in Philippines, code white alert, DOH Hospitals, feast of the Black Nazarene, Inquirer News, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Traslacion 2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.