ITCZ magpapaulan sa Caraga at Davao Region

Walang namumuong sama ng panahon o low pressure area na makakaapekto sa bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, northeast monsoon o Amihan pa rin ang umiiral sa Northern Luzon habang nakakaapekto naman ang intertropical convergence zone (ITCZ) sa Mindanao.

Dahil sa Amihan, inaasahan ang bahayang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pulo-pulong mahihinang pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.

Magdadala naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang ITCZ sa Caraga at Davao Region.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, asahan ang magandang panahon na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan sa hapon o gabi.

Malaya namang makapaglalayag ang mga mangingisda ngayong araw dahil walang nakataas na gale warning saanmang baybaying-dagat ng bansa.

Read more...