Duterte: PNP problema lagi sa bawat administrasyon

By Rhommel Balasbas January 08, 2020 - 04:20 AM

Nagpahayag ng pagkadismaya si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) at sinabing lagi na lamang itong problema sa bawat administrasyon.

Sa ambush interview sa Malacañang Martes ng hapon, sinabi ng pangulo na nais niyang masawata ang korapsyon sa kanyang natitirang dalawang taon.

“You know historically, the police, the PNP has always been a problem for any administration. Alam ninyo ‘yan. And I think that with the remaining two years, if I can just fix a third of what’s bugging the PNP, and that is corruption,” ani Duterte.

Ayon kay Duterte, nagbigay na siya ng direktiba kay Interior Secretary Eduardo Año para alisin ang korapsyon sa PNP.

Nasa kamay na anya ng kalihim ang kahihinatnan ng pambansang pulisya sa mga darating na taon.

Wala pang naitatalagang bagong PNP chief ang pangulo ilang buwan na ang nakalilipas matapos bumaba sa pwesto si Gen. Oscar Albayalde.

TAGS: corruption, Interior Secretary Eduardo Año, Philippine National Police, Rodrigo Duterte, corruption, Interior Secretary Eduardo Año, Philippine National Police, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.