Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bahagi ng Tarlac alas-2:55 Miyerkules ng madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong walong kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Concepcion.
May lalim itong 26 kilometro at tectonic ang dahilan.
Naitala ang Instrumental Intensity III sa San Ildefonso, Bulacan; Intensity II sa Magalang, Pampanga; at Intensity I sa Guagua, Pampanga.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.