Higit P4M halaga ng marijuana nasabat sa buy-bust sa Maynila

By Rhommel Balasbas January 08, 2020 - 02:55 AM

NCRPO photo

Nakumpiska ng pulisya ang aabot sa P4 milyong halaga ng marijuana sa buy-bust operation sa Brgy. 649, Tondo, Maynila, Martes ng hapon.

Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), dalawa ang naaresto sa operasyon na nakilalang sina Celedonio Sorio, 18 anyos at Arnel Laparan, 19 anyos.

Ikinasa ang operasyon matapos matimbog noong December 24 ang apat na suspek sa Brgy. San Miguel, Pasig City at makuhaan ng 5 kilo ng marijuana.

Nabilhan ng poseur buyer sina Sorio at Laparan ng P1,000 halaga ng marijuana.

Matapos ang transaksyon ay agad silang inaresto at nakuhaan ng 37 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust operation, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug war, Maynila, National Capital Region Police Office (NCRPO), P4 million worth of marijuana seized, Tondo, buy bust operation, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug war, Maynila, National Capital Region Police Office (NCRPO), P4 million worth of marijuana seized, Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.