Gobyerno handa sa repatriation ng mga Pinoy sa Iraq

By Rhommel Balasbas January 08, 2020 - 01:42 AM

Tiniyak ng pamahalaan ang kahandaan nito sakaling sapilitang pauwiin ang mga Filipino sa Iraq at sa Kurdistan region sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

Sa advisory ng Philippine Embassy sa Baghdad Martes ng gabi, pinayuhan ang mga Pinoy na makipag-ugnayan sa embahada kung nais ng repatriation o anumang uri ng tulong.

Maaaring tumawag ang mga Pinoy sa mga numerong

(+964) 781-606-6822
(+964) 751-616-7838
(+964) 751-876-4665
07816066822
07516167838
07518764665
07508105240

Maaari rin makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa pamamagitan ng email na [email protected] o [email protected] at sa kanilang official Facebook account.

Payo ng embahada sa mga Pinoy, manatiling mapagmatyag, mag-ingat at tumutok sa sitwasyon sa lahat ng pagkakataon.

TAGS: Iran-US tensions, Philippine Embassy in Iraq, ready to repatriate, repatriation of Filipinos, Iran-US tensions, Philippine Embassy in Iraq, ready to repatriate, repatriation of Filipinos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.