outbrain

WATCH: ‘Tala’ – ‘Linamnam Ulam’ mash-up nina Sarah G. at Anne Curtis

By Rhommel Balasbas January 08, 2020 - 12:21 AM SHARE(S):

Hindi pa rin natatapos ang katuwaan ng mga Filipino sa hit song na ‘Tala’ ng Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Sa Instagram araw ng Martes, ibinahagi ni Anne Curtis ang Tala performance nila ni Sarah G. sa kanyang concert noong August 2018.

Pero, may twist na ginawa si Anne kung saan inawit niya sa chorus part ang sikat na ‘Linamnam Ulam’ jingle ng isang fast food giant para sa isang burger rice meal.

Parehong endorsers sina Anne at Sarah G. ng naturang kumpanya at ang jingle ay ibinatay talaga sa tono ng ‘Tala’.

Ang pagbahagi ni Anne sa Tala performance sa kanyang concert ay dahil hindi anya siya makagagawa ng dance cover dahil baka bigla siyang makapanganak.

Saludo rin si Anne sa husay ni Sarah G. tuwing aapak sa stage.

Sa ngayon ay may halos 1.1 million views at 210,000 likes na ang Instagram post ni Anne ng kanilang ‘Tala’ performance.

Patuloy din ang paghataw sa YouTube ng official music video ng kanta at ngayon ay may halos 33 million views na ito.

 

View this post on Instagram

 

Since I can’t do my own cover just yet kasi baka bigla akong manganak. Hahahaha. Sharing my surprise mashup I did with my fave pop star SG back in 2018 during my last concert in celebration of my 21st anniv. I was so excited, nervous and happy (obvious naman sa mukha ko) to share the stage with her! You’ll see her prowess when she does her thang on stage!!!!! NAPAKAGALING! Haaaaay! Basta! Let’s see baka mag nasa 36th week na ako, I’ll give it a try 😂 Ayaw paawat! Thank you SG for sharing this moment with me!!!! P.S – wearing @imngo for this special number 🥰

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on Jan 6, 2020 at 8:15pm PST

TAGS: Anne Curtis, Anne Kulit, burger rice meal, concert performance, fast food, Linamnam Ulam, Sarah Geronimo, Tala, Anne Curtis, Anne Kulit, burger rice meal, concert performance, fast food, Linamnam Ulam, Sarah Geronimo, Tala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.