M3.0 na lindol naitala sa Surigao del Norte

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte alas-11:07 Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 36 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng General Luna.

May lalim itong dalawang kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...