Mga Filipino, pinag-iingat ng DFA sa Saudi Arabia
Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipinong nananatili sa Saudi Arabia.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na dapat maging alerto ang mga Filipino sa nasabing bansa laban sa mga posibleng banta sa seguridad.
Kasunod nito, pinayuhan ang mga Filipino na sumunod sa mga ipinatutupad na security measures at protocols ng Saudi government.
Maaari anilang kumuha ng mga impormasyon ukol sa lagay ng seguridad sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Assistance-to-Nationals Section (ANS) – Philippine Embassy sa Riyadh
– Landline Number – 011-480-1918
– Hotline Number – 056 989 3301
– E-mail Address – [email protected]
Assistance-to-Nationals Section (ANS) – Philippine Consulate General sa Jeddah
– Hotline Numbers – 055 219 613 / 055 219 614
– E-mail Address – [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.