LOOK: Mga paalala ng DOH sa mga lalahok sa Traslacion 2020
Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga makikiisa sa taunang Traslacion ng Itim na Nazareno.
Ayon sa DOH, dapat alalahanin ng mga lalahok ang ilang safety tips para sa maayos na pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno:
– Hanggat maaari, huwag magsama ng bata
– Magbaon ng pagkain at tubig upang maiwasan ang pagkahilo na sanhi ng gutom at pagkauhaw
– Iwasang magtulakan. Bigyang daan ang mga may kapansanan o matatanda
– Huwag magsuot ng mga alahas at iwasang magdala ng malaking pera
– Magdala ng sumbrero upang maprotektahan ang sarili sa init
– Dalhin ang pang-maintenance na gamot
– Magdala ng ID na may telephone number na matatawagan.
Ayon sa isang opisyal mula sa Quiapo Church, inaasahang aabot sa anim na milyong deboto ang makikiisa sa Traslacion sa taong 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.