Sa inilabas na pahayag, handa ang Senado na makipagpulong para talakayin ang posibleng pagpapauwi sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa Middle East.
Sa ngayon, sinabi ng senador na maaaring gamitin ng pangulo ang contigency fund sa ilalim ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kung kailanganin ng agarang pondo.
Suportado rin aniya nito ang plano ng pangulo na magtalaga ng Crisis committee upang tutukan ang pagpapauwi ng mga OFW sakaling sumiklab ang giyera sa pagitan ng Iran at Amerika.
Matatandaang inihayag ng Kongreso na hinihintay na lamang nila ang pormal na komunikasyon ng Malakanyang ukol sa posibleng ipatawag na speciel sesson.