Kinabutan Bridge 2 sa Surigao City, isasara sa Jan. 9 at Jan. 11

Pansamantalang isasara ang Kinabutan Bridge 2 sa Surigao City, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) – Caraga.

Sa abiso ng DPWH – Caraga, ito ay para sa launching ng Type 4 girder na bahagi ng widening activity sa nasabing tulay sa Barangay Rizal.

Isasara ang tulay sa January 9 at January 11 mula 12:00 hanggang 3:00 ng madaling-araw.

Inabisuhan naman ang mga motorista na dumaan muna sa Lipata-Sabang Coastal Road.

Read more...