Kamara pinaghahandaan na ang special session upang ilatag ang contingency plans kaugnay sa tensyon sa Middle East

By Erwin Aguilon January 07, 2020 - 03:55 PM

Naghahanda na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso upang magdaos ng special session para sa contingency plans kaugnay sa tumitinding tensyon sa Gitnang Silangan.

Ayon kay House Majority leader Martin Romualdez, hinihintay na lamang nila ang pormal na komunikasyon ng Malacañang ukol dito.

Mahalaga anya ang official communication na magmumula sa Palasyo upang mabigyan sila ng guide sa gagawing special session

Gayunman, habang hinihintay ang opisyal na komunikasyon mula sa Malakanyang ay inatasan na ni Hoiuse Speaker Alan Peter Cayetano ang House secretariat para maghanda na para sa gagawing special session.

Sa ilalim ng Section 87, Rule XI ng House Rules nakasaad na ang House Speaker matapos kumunsulta sa majority at minority leader at kanilang counterparts sa Senado ay maaring magpatawag ng special session anumang oras kahit naka-recess ang Kongreso para sa ipinagmamadaling legislative matters o concerns.

Aminado naman si Romualdez sa pahayag ng pangulo na ang tumitinding tensyon sa Middle East ay major concern na kailangan ng mabilis na pagkilos ng Kongreso para mabigyan ng kapangyarihan ang Ehekutibo para masiguro ang kaligtasan nila doon.

Nakiisa naman ang Majority leader sa mga Filipino sa panalangin para sa kaligtasan ng mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Middle East at iba pang panig ng mundo.

Tiniyak din ni Romualdez sa mga pamilya ng mga OFW dito sa bansa na makikipagtulungan ang Kongreso sa Ehekutibo para matugunan ang nais na pangulo na walang Filipino ang mapapahamak sa kaguluhan sa Gitnang Silangan.

TAGS: 18th congress, Cong Martin Romualdez, contingency plans, Gitnang Silangan, Middle East, special session, tension in Middle East, 18th congress, Cong Martin Romualdez, contingency plans, Gitnang Silangan, Middle East, special session, tension in Middle East

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.