Pangangalampag para sa umento sa sahod ng mga guro hindi ihihinto ng Makabayan bloc

By Erwin Aguilon January 07, 2020 - 12:24 PM

Magpapatuloy ang pagkilos ng Makabayan bloc upang ipanawagan ang dagdag na sahod para sa mga guro sa pampublikong paaralan sa bansa.

Ayon kay ACT Teachers Rep. France Castro, hindi sila hihinto hanggang hindi naibibigaya ng dapat na suweldo sa mga guro.

Nagpahayag naman ng labis na ikinadismaya ni Castro ang pagmamaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihayag na hindi ganoon kahalaga ang mga guro tulad ng mga pulis at sundalo.

Ayon kay Castro, ito marahil ang dahilan kaya napakabarat ng gobyerno pagdating sa pagbibigay ng umento sa sahod sa mga public school teachers.

Hindi na nagtataka pa ang kongresista sa napakabilis na pagbibigay ng dagdag na sahod sa mga pulis at mga sundalo pero ang mga guro ay kinailangan pang maghintay ng tatlong taon bago napagbigyan ang kakarampot na wage increase.

Ipinaalala ni Castro kay Pangulong Duterte ang kahalagahan ng mg guro sa nation building gayundin ang sobra-sobrang trabaho na ginagawa ng mga ito na dapat ay tungkulin na ng ibang ahensya ng pamahalaan.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, salary hike, Tagalog breaking news, tagalog news website, teachers, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, salary hike, Tagalog breaking news, tagalog news website, teachers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.