Nabatid na apat na magkakahalintulad na panukala ang magkakahiwalay na inihain nina Poe at Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Sen. Sonny Angara at Sen. Imee Marcos.
Ayon kay Poe, sa pagdinig ay hihingin siya sa Department of Transportation (DOTr) ang resulta ng ginawang pag aaral ukol sa pag-arangkada ng motorcycle taxis Hunyo ng nakaraang taon.
Aniya napakahalaga sa komite ng magiging ulat ng DOTr para sa pagbalangkas ng pinal na bersyon ng pag-iisahin mga panukala.
Idinagdag pa ng senadora na maging ang ginawang paglimita sa bilang ng mga motorcycle taxis ay tatalakayin din sa pagdinig.
Sa kanyang Senate Bill 128 o Motorcycles for Hire Act of 2019 na inihain ni Poe, magagamit na ng mga operator ng motorcycle taxis ang online ride hailing o pre-arranged transportation platforms.
Magreresulta ito sa pag-amyenda sa Land Transportation and Traffic Code.
Katuwiran ni Poe sa kanyang panukala, panahon na para magkaroon ng alternatibong uri ng pampublikong transportasyon ang mga Filipino at aniya kailangan lang matiyak na ito ay ligtas at maaasahan ang serbisyo.