Pagbasura ng Korte Suprema sa same-sex marriage ikinalugod ni Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva

By Erwin Aguilon January 07, 2020 - 11:38 AM

Welcome development para kay House Deputy Speaker at CIBAC Rep. Bro. Eddie Villanueva ang pasya ng Superme Court na pinal na nagbabasura sa legalisasyon ng same-sex marriage sa bansa.

Ayon kay Villanueva, sumasang-ayon ito sa kanilang paninindigan na ang pagpapakasal ay para lamang sa pagitan ng mga babae at lalaki.

Sinabi ni Villanueva na hindi lamang ito kalooban ng Diyos gayundin ito ang nakasaad sa batas na umiiral sa bansa.

Iginiit nito na ang desisyon ng SC ay dapat maging gabay ng mga mambabatas na huwag nang magtaka na baguhin ang kasalukuyang batas kung saan nakasaad na ang kasal ay para sa pagitan lalaki at babae lamang.

Paliwanag ni Villanueva, ginawa ang Family Code base sa historical, traditional at religious values ng mga Filipino may kaugnayan sa kasal.

Dahil dito, kapag napalitan anya ang konsepto ng pag-aasawa ay nangangahulugan na inabanduna ng mga Pinoy ang kanyang pagkakakilalan at pagtalikod sa moralidad.

Hindi lamang ayon kay Bro. Eddie labag sa utos ng Diyos ang same-sage marriage bagkus ito ay hindi rin sang-ayon sa moral ng mga Filipino at bilang isang tao.

Sa 113-pahinang desisyon ng korte na pinonente ni Associate Justice Marvic Leonen sinabi niyo na ang hindi pagsunod sa Family Code may kaugnayan kung sino lamang ang maaring magpakasal ay maari ding makaapekto sa iba pang batas ng bansa tulad ng taxation, family relations, labor, at penal laws.

TAGS: Breaking News in the Philippines, eddie villanueva, Inquirer News, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, same sex marriage, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, eddie villanueva, Inquirer News, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, same sex marriage, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.