Mga supermarket at supplier nito pupulungin ni QC Mayor Joy Belmonte laban sa ASF
Sa lalong madaling panahon pupulungin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang lahat ng Supermarket at maging mga supplier nito matapos na magpositibo ang karne ng baboy sa dalawang Supermarket sa ASF na binilhan ng Quezon City Veterinary Office ng QC-LGU.
Ayon kay Mayor Belmonte, ang pagpupulong ay kailangan gawin sa lalong madaling panahon lalo na at nakasalalay dito ang kalusugan ng publiko.
Ang ikinakabahala pa ng alkalde na kung bakit may nakakalusot na karne ng baboy na positibo sa ASF, ganun lahat ng binibentang karne ng baboy sa mga Supermarket bago ibenta ay dumaan muna sa pagsusuri ng National Meat Inspection Service o NMIS.
Maliban sa pupulungin, plano rin ni Mayor Joy na sanayin ang mga staff ng Supermarket na matukoy kung positibo sa ASF ang mga itinitindang karneng baboy.
Apela naman ng alkalde sa publiko na huwag ng magsisihan, habang ang Department of Agriculture (DA) na umano ang bahala sa imbestigasyon sa NMIS kung bakit umabot na sa Supermarket ang karne ng baboy na may ASF.
Umaasa naman si Mayor Joy na makikipagtulungan ang mga may-ari ng Supermarket sa QC c para matiyak na ligtas ang publiko sa binibiling karne sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.