Landslide naitala sa Taft, Eastern Samar

Muling nagkaroon ng landslide sa Taft, Eastern Samar.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Eastern Samar District Engineering Office, ala 1:00 ng madaling araw ng Martes (Jan. 7) nang maganap ang landslide sa Wright-Taft Road sa Barangay Binaloan.

Sa parehong lugar din nagkaroon ng pagguho ng lupa noong Biyernes Jan. 3 kung saan may mga sasakyan pang nabagsakan.

Dahil dito ayon sa DPWH, ang Buray-Taft road ay nananatiling sarado sa mga motorista.

Maari namang gamitin ang Beunavista-Lawaan-Basey road bilang alternatibong ruta.

Read more...