Halaga ng pinsala ng sunog sa Tondo, Maynila umabot sa P3M

Umabot sa P3 milyon ang halaga ng pinsala ng sunog na naganap sa isang gusali sa Tondo Maynila.

Naideklarang under control ang sunog alas 9:17 ng umaga o makalipas ang apat na oras mula nang sumiklab ang apoy.

Ayon sa Manila Fire Bureau, aabot sa 16 na katao ang nasugatan sa sunog kabilang ang mga residente ng Masagana Building at ilang bumbero.

Samantala, ang sunog naman sa Dapitan, Sampaloc Maynila ay naapula na rin at umabot lang ng 2nd alarm.

 

Read more...