2015 Miss Universe Pia Wurtzbach may dalawang katangian para sa ideal man

By Alvin Barcelona January 26, 2016 - 07:46 PM

pia-wurtzbach-malacanang
Inquirer photo

Sa mga nag-aasam na masungkit ang puso ni 2015 Miss Universe Pia Wutrzbach, may dalawang katangian na hinahanap ito sa isang lalake.

Sa panayam kay Pia sa Malacañang, sinabi nito na ang ideal man para sa kanya ay dapat na matalino o smart at may sense of humor.

Si Pia ay nasa Malacañang kanina para sa kanyang courtesy call kay Pangulong Noynoy Aquino matapos na makuha ang korona ng Miss Universe pageant.

Kasama ni Pia na nagtungo sa Malacañang ang kanyang ina na si Cheryl Alonzo, Binibining Pilipinas Charities President Stella Marquez-Araneta at Miss Universe Organization President Paula Shugart.

Sa nasabing pagkikita ay nagkumustahan, nagbatian at nakipag-kwentuhan ang Pangulo kay at Pia.

Pati ang mga empleyado sa Palasyo ay lumabas sa kani-kanilang mga opisina para makita ang Beauty Queen samantalang ang iba naman ay nagpumilit na magpa-selfie kasama ang bagong Miss Universe.

TAGS: Aquino, Malacañang, miss universe, Pia Wurtzbach, Aquino, Malacañang, miss universe, Pia Wurtzbach

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.