outbrain

De La Salle Green Archers may bagong head coach

By Dona Dominguez-Cargullo January 07, 2020 - 10:11 AM SHARE(S):

Si Frederick “Derrick” Pumaren ang bagong head coach ng De La Salle Green Archers sa UAAP.

Sa inilabas na pahayag ng Dela Salle University (DLSU) simula January 1, 2020 si Pumaren na ang head coach ng Men’s Basketball Team ng unibersidad.

Si Pumaren ay nagsilbi nang head coach ng Green Archers mula 1986 hanggang 1991.

Taong 1989 nang makuha ng La Salle ang unang kampeonato sa UAAP na naulit pa ng sumunod na taon.

Nagsilbi ring coach sa mga koponan sa PBA si Pumaren gaya ng Pepsi, Sunkist, Sta. Lucia, Purefoods, FedEx at Talk N Text.

Magsisilbi namang bahagi ng coaching staff ng Green Archers bilang assistant coach sina Gian Nazario at Kermaine Byrd.

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, del la salle green archers, derrick pumaren, DLSU, head coach, Inquirer News, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, UAAP, Breaking News in the Philippines, del la salle green archers, derrick pumaren, DLSU, head coach, Inquirer News, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, UAAP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.