Klase sa ilang bayan sa Albay sinuspinde dahil sa sama ng panahon

By Dona Dominguez-Cargullo January 07, 2020 - 09:50 AM

Sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa bayan ng Manito at Bacacay sa lalawigan ng Albay dahil sa sama ng panahon.

Inuulan ang maraming bayan sa Albay dahil sa tail-end of cold front.

Ayon kay Jobert Daria, pinuno ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Manito. simula Linggo pa ng gabi ay nakararanas ng pag-ulan sa kanilang bayan at umabot sa 144.3 milimeters ang naitalang rainfall amount hanggang kahapon ng hapon.

Dahil dito nagtaas ng alert level 2 sa bayan ng Manito.

Alas 5:00 ng umaga ngayong Martes (Jan. 7) ay isinailalim na sa heavy rainfall warning ng PAGASA ang lalawigan ng Albay at Sorsogon.

TAGS: Albay, Breaking News in the Philippines, class suspension, Inquirer News, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer x, Tagalog breaking news, tagalog news website, walang pasok, weather, Albay, Breaking News in the Philippines, class suspension, Inquirer News, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer x, Tagalog breaking news, tagalog news website, walang pasok, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.