Ayon kay National Statistician Rosalinda Bautista ang December 2019 headline inflation ay umakyat sa 2.5 percent.
Mas mataas ito kumpara sa 1.3 percent lang na naitala noong Nobyembre.
Pero ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) pasok naman ito sa 2 to 4 percent na target ng pamahalaan.
Kung ikukumpara din sa inflation noong December 2018 na 5.2 percent ay higit na mababa ang datos.
Inaasahan na ang pagsipa ng inflation para sa buwan ng Disyembre dahil may nagtaasang halaga ng pangunahing bilihin noong nagdaang holiday season.
MOST READ
LATEST STORIES