PSA nakapagtala ng 2.5 percent na inflation rate para sa buwan ng Disyembre 2019
Bumilis ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo sa nagdaang buwan ng Disyembre 2019.
Ayon kay National Statistician Rosalinda Bautista ang December 2019 headline inflation ay umakyat sa 2.5 percent.
Mas mataas ito kumpara sa 1.3 percent lang na naitala noong Nobyembre.
Pero ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) pasok naman ito sa 2 to 4 percent na target ng pamahalaan.
Kung ikukumpara din sa inflation noong December 2018 na 5.2 percent ay higit na mababa ang datos.
Inaasahan na ang pagsipa ng inflation para sa buwan ng Disyembre dahil may nagtaasang halaga ng pangunahing bilihin noong nagdaang holiday season.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.