Pasok sa mga korte sa Maynila suspendido sa Huwebes, Jan. 9
Sinuspinde ng Korte Suprema ang pasok sa lahat ng korte sa Maynila sa Huwebes, Jan. 9, 2020.
Ito ay dahil sa nakatakdang aktibidad para sa Traslacion 2020.
Sa memorandum order ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta, suspendido ang trabaho sa Korte Suprema, Philippine Judiciary Academy, Judicial and Bar Council, Court of Appeals at lahat ng trial courts sa Maynila sa nasabing petsa.
Nakasaad sa memorandum na inaasahang maraming deboto ang dadagsa sa Maynila para makiisa sa Traslacion.
Dahil dito, inaasahan ang matinding traffic sa lungsod na epekto ng taunang event.
Iniutos naman ni Peralta ang pagkakaroon ng skeletal force sa Receiving Sections ng Judicial Records Office ng Korte Suprema, Court of Appeals at Regional Trial Courts at Metropolitan Trial Courts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.