Kennon Road sarado muli sa mga motorista

Muling isinara sa mga motorista ang Kennon Road mula at patungong Baguio City.

Sa abiso ng DPWH-Cordillera Administrative Region, mula ngayong araw ay sarado muli sa mga motorista ang Kennon Road.

Tanging mga residente lamang ang papayagang dumaan sa kalsada.

Kamakailan ay pinayagan ang pagdaan ng mga motorista sa Kennon Road pero para lamang sa mga paakyat ng Baguio City para ma-accommodate ang dagsa ng mga turista sa Baguio noong Holiday Season.

Ayon sa DPWH, maari pa rin namang madaanan ang iba pang mga lansangan na patungong Baguio partikular ang mga sumusunod:

• Benguet – Nueva Vizcaya Road
• Baguio – Bontoc Road
• Marcos Highway
• Baguio – Naguilian Road
• Asin-Nangalisan-San pascual, Tuba Benguet-Rizal-Anduyan, Tubao La Union Road

Read more...