16 sugatan sa sunog sa commercial/residential area sa Tondo Maynila

Labinganim na ang sugatan sa sunog sa isang commercial/residental area sa Tondo Maynila.

Ayon kay Fire Inspector John Joseph Jalique ng Manila Fire Bureau, ang mga nasugatan ay kinabibilangan ng mga rumespondeng bumbero at mga residente ng nasusunog na gusali.

Isa sa mga nagtamo ng sugat ang residenteng si Junjun Fornel na nagtamo ng mga galos sa kaniyang katawan matapos tumakas mula sa 4th floor ng gusali para makababa.

Ayon kay Fajardo, nagpadausdos lang siya sa isang tubo para makababa ng nasusunog na gusali.

Nakataas pa rin sa 5th alarm ang sunog.

Read more...