Cebu dancing inmates nagpakitang gilas sa kinatawan ng Papa
Hindi nagpatinag ang tinaguriang Cebu dancing inmates sa ulan at itinuloy pa rin ang pagsasayaw para kay Papal Legate Cardinal Charles Maung Bo.
Ayon sa mga preso, masyado silang natuwa sa ginawang pagdalaw sa kanila ng nasabing lider ng simbahan.
Sinabi ni Vince Rosales, choreographer ng Cebu Dancing Inmates na mistulang natupad na rin ang kanilang pangarap na makapagperform sa harap ni Pope Francis.
Dagdag ni Rosales, ang Cebu Dancing Inmates ang kauna-unahang grupo ng mga preso na nakapag-perform sa kinatawan ng Santo Papa.
Sinabi pa ni Rosales na hindi siya nakatulog dahil sa nais niyang maging perfect ang kanilang performance.
Nabatid na 2,000 inmates sana ang sasayaw subalit mahigit 800 lamang ang nakapag-perform dahil sa hindi natapos ang pagtahi ng kanilang costume.
Sinayaw ng mga bilanggo ang “They don’t care about us” ni Michael Jackson at hymn ng International Eucharistic Congress na “Christ in you, Our hope of glory”.
Nabatid na tuwing huling Sabado ng bawat buwan ay libreng nagpe-perform ang Cebu Dancing Inmates.
Ayon kay Rosales, maari namang magbigay ng donasyon ang mga manonood pero hindi ito sapilitan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.