WATCH: Sitwasyon sa tradisyonal na “Pahalik”

By Rhommel Balasbas January 07, 2020 - 08:00 AM

Maayos pa ang sitwasyon sa “Pahalik” sa Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Bagaman hindi pa karamihan ang pumipila ngayong umaga ng Martes (Jan. 7) may barikada na para sa daraanan ng pila.

Ang entrance ng pila ay magsisimula sa TM Kalaw sa kanto ng Roxas Boulevard.

Ang kahabaan ng daraanan ng mga taong pipila para sa “Pahalik” ay may mga nakabantay na pulis.

Dalawang beses din ang daraanang pagsusuri sa gamit ng mga pipila.

Una nang sinabi ng National Capital Region Police Office na sa pagsisimula ng “Pahalik” ay 481 na pulis na ang magbabantay.

Ito ay para masiguro ang kaligtasan ng mga publiko na magtutungo sa Grandstand.

TAGS: Black Nazarene, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, pahalik, PH news, Philippine News, Quirino Grandstand, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Black Nazarene, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, pahalik, PH news, Philippine News, Quirino Grandstand, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.