Dating national security adviser ni U.S. Pres. Donald Trump handing tumestigo sa impeachment trial

By Dona Dominguez-Cargullo January 07, 2020 - 07:48 AM

Handang tumestigo sa impeachment trial ni U.S. President Donald Trump ang kaniyang dating national security adviser na si John Bolton.

Inaasahan ng House of Representatives sa U.S. na malaking bagay at marami silang makukuhang ebidensya sa mga magiging testimonya ni Bolton.

Partikular na hihilingin kay Bolton ang mga impormasyon sa ginawang pagpwersa umano ni Trump sa Ukraine para imbestigahan ang kaniyang katunggali sa pulitika.

Si Bolton ay binanggit na ng iba pang testigo na nagsalita sa House impeachment investigation.

Lumilitaw sa imbestigasyon na tinanggihan ni Bolton ang pasya ni Trump na i-delay ang $390 million na military aid sa Ukraine.

TAGS: Breaking News in the Philippines, donald trump, Impeachment trial, Inquirer News, john bolton, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, donald trump, Impeachment trial, Inquirer News, john bolton, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.