1 sugatan sa sunog sa isang gusali sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo January 07, 2020 - 05:51 AM

(UPDATE) Isa ang sugatan sa sunog sa isang gusali sa bahagi ng Lakandula Street sa Tondo, Maynila.

Pasado alas 5:00 ng umaga nang magsimula ang sunog na iniakyat sa ikalimang alarma

Ayon sa Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office, ang ibabaw ng Masagana Building ang nasunog na isang residential/commercial facility.

Malapit lamang sa Tondo Church ang pasilidad.

Isang lalaki naman ang nagtamo ng mga galos sa katawan makaraang magpumilit na makalabas mula sa ikaapat na palapag ng gusali.

Samantala, nagsuspinde na ng klase sa Holy Child Catholic School sa Tondo, Maynila na malapit lamang sa nasusunog na gusali.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa paaralan.

TAGS: Breaking News in the Philippines, fire incident, Inquirer News, lakandula street, manila, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tondo, tondo church, Breaking News in the Philippines, fire incident, Inquirer News, lakandula street, manila, PH news, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tondo, tondo church

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.