Korean national, nahulog sa condominium sa Maynila

By Rhommel Balasbas January 07, 2020 - 05:40 AM

Isang lalaking Korean national ang hinihinalang nahulog mula sa ika-18 palapag ng condominium sa Taft Avenue, Maynila, bago mag-alas-2:00 Martes ng madaling-araw.

Ayon sa Manila Police District Homicide Division, nasa higit 40 anyos ang lalaki na suot ang grey na t-shirt at itim na shorts.

Bagong lipat lang umano sa kanyang unit ang lalaki kaya inaalam pa ang pagkakakilanlan nito.

Bumagsak ang lalaki sa compound ng De La Salle University.

Inaalam ngayon ng pulisya kung ito ba ay aksidente, kaso ng suicide o may foul play.

Binubusisi na ang CCTV footages kung may kasamang pumasok sa loob ng condo ang biktima.

TAGS: condominium unit, korean national, manila, Taft Avenue, condominium unit, korean national, manila, Taft Avenue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.