Halos 300 sakay ng sumadsad na barko sa Misamis Occidental, ligtas lahat ayon sa Coast Guard

By Dona Dominguez-Cargullo January 07, 2020 - 05:36 AM

Nailigtas lahat ng Philippine Coast Guard at ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and management Office (MDDRMO) ang halos 300 sakay ng sumadsad na barko sa Plaridel, Misamis Occidental.

Ayon sa Coast Guard kabuuang 288 ang nailigtas na sakay ng passenger vessel na Ocean Jet 7 – 271 dito ay pasahero at 17 ang crew.

Hinampas ng malalaking alon ang barko pag-alis nito sa Plaridel Port at patungo sana ng Tagbilaran City, Bohol kahapon (Jan. 6) ng umaga.

Dahil dito bumangga ang starboard ng barko ang nakitaan ng kaunting crack.

Nagbahagi pa ng video sa twitter ang isang pasahero ng barko at nanawagan sa coast guard na sila ay i-rescue.

TAGS: Breaking News in the Philippines, coast guard, Inquirer News, Ocean Jet 7, PH news, Philippine News, plaridel misasmis occidental, Radyo Inquirer, rescued passengers, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, coast guard, Inquirer News, Ocean Jet 7, PH news, Philippine News, plaridel misasmis occidental, Radyo Inquirer, rescued passengers, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.