Tail-end of a cold front nakaaapekto sa S. Luzon at E. Visayas; ITCZ umiiral sa buong Mindanao

Tatlong weather systems ang umiiral ngayon sa bansa.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, patuloy na nakaaapekto ang tail-end of a cold front sa Southern Luzon at Eastern Visayas habang inter-tropical convergence zone naman ang umiiral sa buong Mindanao.

Dahil sa tail-end of a cold front, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan sa Bicol Region, Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro at Samar provinces.

Ang ITCZ naman ay magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Davao Region at Soccsksargen.

Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon, bagama’t apektado ng Amihan ay asahan ang maalinsangang panahon na may posibilidad ng pulo-pulong mahihinang pag-ulan.
Mainit na panahon ang mararanasan sa Palawan at nalalabing bahagi ng Visayas na may posibilidad lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying-dagat ng:
– Batanes
– Calayan
– Babuyan
– Cagayan
– Isabela
– Ilocos Norte
– Aurora
– Northern Quezon
– Northern at eastern coast ng Polillo Islands
– Camarines Norte
– Northern coast ng Camarines Sur
– Eastern coast ng Sorsogon
– Northern at eastern coast ng Catanduanes
– Northern Samar
– Eastern Samar

Read more...