Kush weeds at liquid marijuana nakumpiska sa Pasay; estudyanteng claimant ng bagahe, arestado
Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang P200,000 halaga ng Kush weeds at liquid marijuana na galing sa California, USA.
Nasabat ang nasabing kontrabando ng mga tauhan ng Customs, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) na idineklarang pares ng sapatos at tsokolateo sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.
Nang suriin ang parcel, may nakuhang apat na pakete ng kush weeds at 10 cartridges ng liquid marijuana.
Ang bagahe ay naka-consigne sa isang residente na taga Sampaloc, Manila.
Dinakip naman ang estudyante na nag-claim ng mga bagahe na kinilalang si Xavier Martin Bulos.
Pinaghinalaan ang naturang bagahe at isinailalim sa 100% Customs Examination dahil may kahalintulad nang bagahe na dumating noon na may laman ding marijuana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.