M3.5 na lindol naitala sa Pangasinan

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Pangasinan alas-4:46 Martes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 85 kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Agno.

May lalim lamang itong apat na kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...