2 miyembro ng BIFF arestado sa Maynila

By Rhommel Balasbas January 07, 2020 - 03:49 AM

Timbog ang dalawang hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa operasyon sa UN Avenue, Ermita, Maynila noong Linggo ng hapon.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/Brig. Gen. Debold Sinas, nakilala ang mga suspek na sina Remedios Habin Villojan, 52 anyos at Alvin Gadin, 32 anyos.
Naharang ng mga miyembro ng Regional Operations Unit ang van lulan ang mga suspek.

Sinubukan pang manlaban ng mga ito ngunit hindi rin kinaya ang pwersa ng mga pulis at tuluyang sumuko.

Nagsasagawa ng follow-up operations ang mga awtoridad para maaresto ang iba pang miyembro ng BIFF.

Nakuha sa mga suspek ang mga hindi pa tukoy na pampasabog.

Sasamppahan ang mga ito ng kasong illegal possession of explosive devices.

Nilinaw naman ng pulisya na ang pag-aresto sa dalawang hinihinalang miyembro ng BIFF ay walang kaugnayan sa terror plot para sa pista ng Itim na Nazareno.

TAGS: illegal possession of explosive devices, National Capital Region Police Office (NCRPO), suspected members of Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) arrested, illegal possession of explosive devices, National Capital Region Police Office (NCRPO), suspected members of Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) arrested

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.