M3.1 na lindol naitala sa La Union

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng La Union alas-2:31 Martes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 62 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Luna.

May lalim ang pagyanig na 28 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...