Holdaper patay sa engkwentro sa Quezon City

By Rhommel Balasbas January 07, 2020 - 04:09 AM

Patay ang isang holdaper matapos makaengkwentro ang mga pulis sa Lupang Pangako, Brgy. Payatas B. Quezon City, pasado ala-1:00 Martes ng madaling-araw.

Ayon kay QCPD Station 6 chief Pol. Lt. Col. Romulus Gadaoni, wala pang pagkakakilanlan ang suspek na may suot na itim na t-shirt, maong pants at black mask.

Isang bank teller na pauwi at sakay ng tricycle sa kanto ng Urban ang hinarang ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Tinangay ng mga ito ang bag ng biktima.

Swerteng may mga pulis na nakastandby sa lugar kaya’t nakapagsumbong agad ang biktima.

Hinabol ng mga pulis ang dalawa ngunit nagkapalitan ng putok kung saan napuruhan ang isa habang nakatakas ang kanyang kasamahan,

Isinugod pa sa East Avenue Medical Center ang suspek ngunit idineklara ring dead-on-arrival.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang kalibre .38 na baril, mga basyo ng bala at ang bag ng biktima.

TAGS: hold-up incident, killed in encounter, Payatas, quezon city, hold-up incident, killed in encounter, Payatas, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.