Taas-presyo sa diesel at gaas, rollback sa gasolina epektibo na ngayong umaga

Epektibo na ngayong umaga ang price hike sa diesel at kerosene ng mga kumpanya ng langis.

Lahat ng oil companies ay magpapatupad ng P0.40 taas-presyo sa kada litro ng diesel.

Ang Shell, Flying V, Petron ay may dagdag ding P0.30 sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.

Samantala, may kakarampot na P0.10 bawas-presyo naman ang mga kumpanya sa kada litro ng gasolina.

Epektibo ang oil price adjustments ngayong alas-6:00 ng umaga maliban sa Cleanfuel na magpapatupad alas-12:01 pa ng hatinggabi ng Miyerkules.

Read more...