Korte Suprema kinatigan ang pagbasura sa same-sex marriage
Tuluyan nang ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon para payagan ang same-sex marriage sa bansa.
Sa resolusyong may petsang December 10, pinagtibay ng en banc ang pagbasura sa motion for reconsideration na nais baliktarin ang naunang desisyon.
Iginiit ng Kataastaasang Hukuman na walang makabuluhang argumento na naidiga para baliktarin ang desisyon.
“No further pleadings or motions will be entertained. Let entry of judgment be made immediately, nakasaad pa sa resolusyon ng SC.
Noong 2015, naghain ng petisyon ang abugadong si Jesus Nicardo Falcis III na ideklara ang Articles 1 at 2 ng Family Code bilang unconstitutional.
Sa nasabing mga probisyon nililimitahan ang kasal sa pag-iisang dibdib ng lalaki at babae.
Pero noong September 2019, sinabi ng mga mahistrado na ‘deficient’ ang petisyon ni Falcis.
Sa 109-pahinang ponencia, sinabi ni Associate Justice Marvic Leonen na hindi naman pinipigilan ng Konstitusyon ang kasal dahil lamang sa kasarian, sexual orientation o gender identity of expression.
Ayon sa SC, mas mabuti na lang na iwan sa Kongreso ang usapin sa pagkilala ng estado sa same-sex relations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.