Mahigpit na seguridad ipinatutupad sa pahalik sa Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand

By Rhommel Balasbas January 07, 2020 - 01:09 AM

Ave Maria! (Ina ng Diyos, Ina ng Pilipino)

Sa pambihirang pagkakataon, maagang dinala sa Quirino Grandstand ang Itim na Nazareno para sa tradisyonal na pahalik.

Alas-2:00 pa lang ng hapon ng Lunes, (January 6), dinala na ang poon sa Quirino Grandstand.

Kadalasang January 8 pa nagsisimula ang pahalik kaya’t hindi pa gaanong dagsa ang mga deboto.

Mahigpit na ang ipinatutupad na seguridad kung saan aabot sa 481 pulis ang nagbabantay sa ngayon.

Hatinggabi ngayong Martes ay nag-inspeksyon din sa lugar si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Brig. Gen. Debold Sinas.

Ayon kay Sinas, inaasahang ngayong Martes ng umaga ay dadagsa na ang tao sa Quirino Grandstand para sa pahalik.

Nanawagan ang police official na kung maaari ay huwag nang magdala ng bata ang mga deboto at kung hindi maiiwasan ay bantayan nang maigi ang mga ito.

Ipinaalala rin ang pagdadala lamang ng clear backpacks at ang pagbabawal sa pagkakalat na mahigpit na bilin ni Manila Mayor Isko Moreno.

TAGS: Itim na Nazareno, pahalik, Quirino Grandstand, Traslacion 2020, Itim na Nazareno, pahalik, Quirino Grandstand, Traslacion 2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.