Inihayag ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong na ang mabagal na aksyon ng mga ahensya ng pamahalaan ang dahilan kung bakit humantong sa kamatayan ang buhay ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait.
Nasawi ang OFW na si Jeanelyn Villavende sa kamay ng kaniyang employer.
Giit ng mambabatas, naiwasan sana ang pagkamatay ni Villavende bago ang pagsapit ng Bagong Taon kung naging mabilis ang pagtugon ng gobyerno sa ulat ng mga distressed OFW.
Sa detalye, narito ang buong ulat ni Erwin Aguilon:
MOST READ
LATEST STORIES