Publiko, may duda pang magtiwala sa PNP – Año

By Angellic Jordan January 06, 2020 - 08:30 PM

Inamin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na may duda pa ang publiko sa pagtitiwala sa Philippine National Police (PNP).

Sa talumpati sa Camp Crame, inihayag ni Año na nakalulungkot na mayroon pang agam-agam ang mga tao na magtiwala sa pambansang pulisya.

Ngunit, ayon sa kalihim, malaking hamon ito sa PNP.

Sinabi pa ni Año na bawat pulis ay may kontribusyon sa pagbuo ng imahe ng PNP.

Dahil dito, dapat aniyang magsilbing “messenger of goodwill” ang mga pulis lalo na bilang public servant, protekto at tagapagligtas anuman ang ranggo nito.

Samantala, iginiit ni Año na hindi siya nagdadalawang-isip na gawin ang mga hakbang hanggang sa maalis ang mga pasaway na pulis sa PNP.

Matatandaang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Año na pamunuan at ayusin ang hanay ng pulisya.

TAGS: DILG, PNP, Sec. Eduardo Año, DILG, PNP, Sec. Eduardo Año

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.