2 sugatan sa pagguho ng gusali sa Indonesia

By Angellic Jordan January 06, 2020 - 06:57 PM

Sugatan ang dalawa katao makaraang gumuho ang isang gusali sa Jakarta, Indonesia Lunes ng umaga.

Sa isang panayam, sinabi ni Audie Latuheru, hepe ng West Jakarta police, agad tumakbo ang mga empleyado sa loob ng ikalawang palapag ng gusali nang marinig ang unti-unti pagkasira nito.

Wala namang nananatili sa iba pang palapag ng gusali.

Nasugatan ang dalawang biktima sa labas ng limang palapag na gusali nang mangyari ang aksidente.

Patuloy pang isinasagawang ang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin kung ano ang sanhi ng aksidente.

TAGS: indonesia, Jakarta, West Jakarta police, indonesia, Jakarta, West Jakarta police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.