Desisyon sa kaso ng electric distributor sa Iloilo, pinabibilisan ni Rep. Baronda sa korte

By Erwin Aguilon January 06, 2020 - 06:40 PM

Hinimok ni Iloilo City Rep. Julienne Baronda ang Iloilo Regional Trial Court na bilisan ang pagpapasya sa expropriation case ng More Electric and More Power (MORE POWER) laban sa Panay Electric Company (PECO).

Ayon kay Baronda, dapat bigyang bigat ng korte sa desisyon nito ang kapakanan ng mga consumer sa Iloilo.

Sinabi nito na inirerespeto niya ang korte pero umaapela ito na bigyang bigat ang merito ng kaso.

Ang apela ay ginawa ni Baronda kay Iloilo RTC Branch 35 Judge Daniel Antonio Gerardo Amular bilang reaksyon sa naging desisyon nito noong Nobyembre na nagsususpinde sa expropriation proceedings na isinampa ng More Power laban sa PECO.

Alinsunod sa Republic Act 11212 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay binigyan nito ng 25 taong prangkisa ang More Power na maging solong distribution utility sa Iloilo City kapalit ng PECO, gayundin ng karapatan na i-expropriate o bilhin ang lahat ng distribution assets ng PECO .

Si Baronda ay tahasang tumutuligsa sa PECO dahil na rin sa mga reklamo ng mga Ilonggo sa serbisyo nito kabilang na dito ang mataas na billing, pangit na customer service at usapin sa kaligtasan matapos na rin sa masangkot sa ilang sunog ang mga poste ng kuryente ng PECO.

TAGS: expropriation case, Iloilo Regional Trial Court, MORE POWER, More Power expropriation case against PECO, peco, Rep. Julienne Baronda, expropriation case, Iloilo Regional Trial Court, MORE POWER, More Power expropriation case against PECO, peco, Rep. Julienne Baronda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.